Ang Sining ng Color-Blocking

250153296_746043646797048_5269175941347970659_n.jpg

Decada 80 noong unang inilabas ang Black/Red Air Jordan I sa hindi ina-asahan at hindi pangkaraniwang color combination. Ito ang mista ng pagtataguyod ng Jordan Brand na magbabago sa kasaysayan ng desenyo ng mga footwear. Kabilang sa mga pagbabagong ito ay ang mga teknikal na mga pagbubuti at ang malikhaing antas kabilang na ang COLOR-BLOCKING.

Ang Air Jordan 1 ay maituturing na pinakamagandang canvas pagdating sa sapatos. Ang mga simpleng paglalaro ng mga kulay sa toe box ay naging hudyat ng the simula ng sneaker culture. Ang nasabing sapatos ay masisilayan sa mas maraming lugar higit kailanman — sa lansangan, basketball courts, skate parks, music videos at album covers.

Sa pinakadalisay na paggamit nito, ang color-blocking ay isang sining. Nabibigyang buhay nito ang kulay at silweta ng isang sapatos sa pamamagitan ng tamang pagkakalagay at mga angkop na materyales. Ang color-block, lalo na sa sneakers, ay maaaring bumuo o makasira ng mahalagang sandali.

250480070_927426757865582_4950855643143356932_n.jpg

Ang original BANNED colorway ay simbolo ng pagsuway, makatapos maganap nito ang pagbabago sa sneaker rules sa liga ng basketball.

su17_jd_flightguy_po2ster_v2_page_1_original-copy.jpg

Kabilang din dito ang ROYAL BLUE, na nanatiling sagisag ng paglipad, sa kadahilanan ng iconic na larawan ng batang Michael Jordan sa runway ng isang paliparan.

JORDAN_COLORWAYS_3v35-1080x506.jpg

“The AJI is very graphic in nature, with its building and construction,” says Eric Sandy, Jordan Brand Sr. Color Designer. “It’s this perfect shoe with so many pieces. It gives you endless options for how to block it and bring new elements to it.”

Iba't ibang colorway ng AJI ang nilikha nung taong iyon — mula sa SHADOW GREY hanggang sa PACK of METALLIC ACCENTS na all-white.

Tinangkilik pa rin ng mga tao ang sapatos noong sinubukan ng Brand na likhain and shaded toe-box. Itim na mudguard na may puting perforated toe box, BLACK TOE, at ito ay naging daan sa karagdagang mga rendisyon na AJI, kabilang ang 2017’s South Beach-exclusive “Rust Pink” at “Igloo” colorways. Ang BLACK TOE sa Chicago ay naging magkasing-kahulugan sa spirit ng mga katutubo sa Windy City.

jordan-air-jordan-1-retro-high-og-nrg-rust-pink_14274463_34686334_1000.jpgjordan-air-jordan-1-retro-high-og-nrg-igloo_13625365_34449880_1000.jpg

Sa pamamagitan ng mga kulay, nilikha ng mga Jordan Brand designers ang mga kwentong MJ - ang SHATTERED BACKBOARD AJI ay isang magandang halimbawa.

JORDAN_COLORWAYS_2v35-1080x506.jpg

Ito ay isang colorway na ang pinagbasihan ay ang basketball uniform na sinuot ni MJ habang gumagawa ng mga jaw-dropping dunk sa Italian exhibition game noong 1985.

michael-jordan-shatters-the-backboard-italy-1986-1.jpg

Ang Color-blocking ay ginamit din upang mag bigay parangal. Taon 2016, ang AJI mismatched TOP 3 ay binuo para mag bigay pugay kay MJ sa pagiging pangatlong pick sa kabuuan ng 1984 NBA Draft.

250299918_409063664106604_3178401833580660610_n.jpg

Naging pamantayan ang AJI pagdating sa colorway combinations. Ito ay naging go-to sa mga customizers para sa kanilang one-of-one na mga likha.

1 of 1 Custom Kobe Jordan 1s by the Shoe Surgeon

LhfSfAZ-DQT7oKAA22FxxDSAykEBl0pWqGOEW_1FK1I.jpg

Ito rin ay naging go-to para sa Jordan Brand collaborators.

136666_08.jpg-600x384.webp

Ang mga OGs ay mananatili at hindi malalaos, ngunit ang mga kabataan ngayon ay magkakaroon ng sarili nilang "OG".

“It’s a challenge before you reach a point where you see something new that reminds you of something classic,” says Sandy. “People can choose their own reference points. OGs are always going to be timeless, but today’s youth will have their own OGs.”

JORDAN_COLORWAYS_LEADv34.jpg

Ang Color-blocking ay ginagamit din para ma-refresh ang iconic na sapatos para sa kasalukuyang madla habang pinapanatili ang Jordan Brand DNA. Makikita ito sa detalye tulad ng red collar sa AJI High OG SMOKE GREY alalahanin ang BRED, BLACKTOE, CHICAGO at ang UNION na mga nauna, habang ang ibang mga detalye ay umaangkop sa makabagong henerasyon.

“Our approach was to find a balance of references and newness. That’s the refresh — a place where heritage and something new can come together,” the designer says.

250257657_2248802255426719_7059867090746579143_n.jpg

Ang kulay ay hindi maitatangging unang napapansin sa isang sapatos. Yun din ang karaniwang tumatatak sa alaala pag dating s paboritong sneakers. Sa bawat evolve ng kahit anong colorway ng Air Jordan 1, ang COLOR-BLOCKING ay ang nananatiling pagkakaiba.

ANG SINING NG COLOR-BLOCKING
Salita: Daniel David
IG Photo Grabs from: @dukmaniquis
Ilustrasyon: Michael Saintil (air.jordan.com)

IMG_0565.HEIC.jpg

Sa mga nakaraang AJI High OG na lumabas ngayong taon, ano ang hindi umangkop sa iyong panlasa? Comment down Below and make yourself heard here in SNKRSGRAM

Comment