Maraming klase ng gutom sa mundo. At sa pananaw ko, isa sa pinakamahirap maibsan ay kapag gutom ka sa pagkakaibigan. Ito ang kla
Maraming klase ng gutom sa mundo. At sa pananaw ko, isa sa pinakamahirap maibsan ay kapag gutom ka sa pagkakaibigan. Ito ang klase ng gutom na pakiramdam mo hindi ka sapat at hindi mo alam kung sino ang tapat. Pipilitin mo makibagay hanggang piliin mo magsinungaling para mapansin, magpanggap para mahalin at duraan ang sarili mong respeto para sa respeto ng iba. Babangkain mo ang lahat ng dagat gamit ang iisang bangka, sabay sabay hanggang tawagin kang balimbing. Sa kagustuhan mong matanggap, hindi mo na mapapansin kung sino ang dapat. Mawawalan ka ng tiwala sa iyong sarili at sa mga taong gusto ka talagang tanggapin. Ngangasabin mo ng matindi bawat pagkakataon na punan ang gutom na iyong nararamdaman. At kapag naramdaman mong busog ka na, huli na ang lahat.